Friday, November 29, 2013

Bombastic!

Hindi dahil mas edukado ka may ipagmamalaki kana. Hindi dahil may trabaho ka na, ipagkakalat mo para ikaw ang bida. Sana pagpalain ka at bigyan ka pa sana diyos ng higit pang maamong bunganga.
Marami kayo ngunit mas nakitaan kita ng kaangasan sa sarili at kahit sa kalooban. Natatakpan ng kayabangan ang mabuti mong kalooban. Nagiging balat mo na ang iyong kaarogantihan. Nagiging damit mo na ang iyong ugaling marangya kahit isang tao kang  nabubuhay kagaya namin at hindi ka nanggaling sa karangyaan. Wala kang karapatan na kami ay iyong kitaan ng karangyaan, kung naabot mong makabili ng mamahaling gamit mas maabot namin iyon pagdating ng tamang panahon. Hindi na rin naman yan magagamit sa susunod na henerasyon dahil mas makabago na ang mga gamit at gadgets na iyong ipinagyayabang.
OO..ikaw ay makakabili ng ganoon kamahal dahil alam kung inutang mo lang yan. Ilang katiting lang ba ang sahod ng isang tagaturo. 85K ang nabili mong dslr? utang nga yan. Maniwala man ako ay iyo itong inipunan o baka nga hindi mo pa nababayaran hanggang ngayon ang iyong inutang. Sana ay magbago ka na at iwasan ang ugaling ganyan.